Saturday, February 7, 2009

O kay Inam ( How Good It Is - Tagalog )

O kay inam magpasalamat Sa ating Diyos
O kay inam papurihan ang ngalan Nya
Hinilom Nya and mga sugat
Ng mga nagdaramdam
Sadyang kay buti ng Panginoon

Siya’y pupurihin ko (2x)

Taos pusong pasasalamat
Ang alay ko sa Diyos Na sa aki’y nagligtas
Pag-ibig Nya’y hindi kukupas
Siya’y pupurihin ko hanggang wakas

Halina't Sama-sama

Halina’t sama–sama
Purihin natin Sya
Halina’t sama–sama
Awitan natin Sya

Ipalakpak ang inyong kamay
Itaas at ikaway Lahat ay magsabing
Diyos ay buhay

Halina’t purihin

Chorus:

Halina’t purihin
ang Diyos
Pagpapala N’ya sa
ati’y lubos-lubos
Makapangyarihan
Siya sa ati’y nagmamahal Halina S’ya ay pasalamatan


Dakilang Diyos at Panginoon
Maghari Ka sa lahat ng panahon
Ang Ngalan Mo
Ay luwalhatiin Ikaw lamang ang sasambahin



Halina’t purihin ang Diyos
Halina’t purihin ang Diyos
Halina’t purihin ang Diyos

Halina't Magpuri

Halina at Magpuri
Itaas ang Ngalan
Ng Panginoon
Sa Kanya ay umawit
Ipagdiwang ang Pahahari ng Diyos



Luluhod ang sandaigdigan
Ang mga langit at lupa
Si Hesus ay ipapahayag Siya ay Diyos na dakila



Isigaw sa lahat ng dako
Makinig ang mga nilalang
Kay Hesus tayo
ay sumuko
At mapabilang sa Kanyang kaharian